MANILA, Philippines - Hindi na kailangan ang tulong ng United Nation (UN) upang lutasin ang krisis sa Zamboanga City.
Ayon kay Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, kayang-kaya ng gobyerno na resolbahin ang krisis sa Zamboanga nang hindi kinakailangan ang tulong ng interÂnational community.
Sinabi ni Sec. CaÂrandang, may kakayahan ang gobyernong Aquino na lutasin ang krisis sa Zamboanga City nang hindi humihingi ng tulong sa UN upang malutas agad ang problemang nilikha ng Moro National LibeÂration Front (MNLF)-Misuari faction.
“We have the resourÂces to deal with it,†paliwanag pa ni Carandang sa MaÂlaÂcañang reporters kaugnay sa naging pahayag ng UN na ang sitwasyon daw sa Zamboanga City ay itnituring nang “humanitarian crisis†matapos umabot sa mahigit 100,000 residente ang naapektuhan ng kaguluhan at napilitang iwan ang kanilang mga tahanan.
“We have the resources to deal with it. Full blown rehab cannot begin until the Misuari forces are ejected and that’s what we are doing now,†paliwanag pa ni Carandang.
Nagpapasalamat naman ang Palasyo sa pag-aalok ng tulong ng UN upang malutas agad ang krisis upang makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga residente.
Nilinaw din ni CaÂrandang na hindi masisimulan ang ‘full blown rehabilitation’ sa Zamboanga kung patuloy pa rin ang paghahasik ng kaguluhan ng MNLF-MiÂsuari faction.