MANILA, Philippines -Ipinagiba ng may-ari sa pribadong “demolition team†ang Muslim Mosque sa Baclaran, Pasay City kahapon ng maÂdaÂling-araw.
Galit na sumugod ang mga Muslim na dating residente ng Muslim community sa lupain na nasa Roxas Blvd., sa hangganan ng Pasay at Parañaque City.
Ayon sa isang nagpakiÂlalang Imam Abdul Kair Guiling, hindi umano kaÂsama sa kanilang kaÂsunÂduan sa pribadong may-ari ng lupa na kasamang gibain ang kanilang Mosque.
Nagbigay naman ng seguridad sa demolition team ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics unit at iba pang unit ng Pasay City Police.