MANILA, Philippines -Binurdahan nang sakÂsak ng isang mister ang kanyang 34-anyos na misis na pinaghihinalaan nitong may kalaguyo naganap kamakalawa sa Binmaley, Pangasinan.
Kinilala ang nasawing ginang na si Edna CariÂno Cabrera na nagtamo ng malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kataÂwan na siyang dagÂliang kumitil sa buhay nito.
Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Edgardo CabÂrera, 37, ilang oras maÂtapos ang krimen na kung saan ay pinagharap ito ng kasong parricide.
Batay sa ulat, bandang alas-4:45 ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa dahiÂlan sa matinding selos ng mister sa kaniyang misis na umano’y may kalaguyo.
Ayon sa pulisya, madalas magtalo ang mag-asawa sa nasabing isyu ng umano’y kalaguyo ng nasabing misis na palagi umanong nakapustura at bukod dito ayon sa suspek ay nanlamig na ang pakikitungo sa kaniya.
Sa gitna ng pag-aaway ng mag-asawa ay nagdiÂlim umano ang paningin ng mister at nakahagilap ng patalim at sunud-sunod na sinaksak ang misis.