Mga eskwelahan sa Zamboanga City binuksan na

MANILA, Philippines -Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro, balik-klase na ang 149 schools sa Zamboanga City kabilang na ang mga public at private schools, na hindi direktang apektado ng sagupaan.

Magugunita na mahigit tatlong linggo na suspendido dahil sa naapektuhan ng kaguluhang nagaganap sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari faction at tropa ng pa­mahalaan.

Gayunman, ang mga paaralan na nasa ‘areas of concern’, kabilang na ang Labuan, Limpapa, Ayala, Cawit, Baluno, Pa­sonanca, Lamisahan, Tetuan, at Zambowood, ay nanatiling walang pasok batay na rin sa rekomendasyon ng kanilang mga barangay captain.

 

Show comments