^

Police Metro

P500K multa at kulong sa mall owners na maniningil ng parking fees

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Tumataginting na P500,000 at pagkakulong ng limang taon ang magiging parusa sa sinumang may-ari ng mall at establisyimento na maniningil ng parking fees sa kanilang mga customers.

Ito ay batay sa House Bill 456 na inihain ni 1st District Marikina Rep. Marcelino Teodoro na kinondena ang hindi makatarungang panini­ngil ng parking fees ng mga shopping malls, hotels at kahalintulad  na establisyemento sa kanilang mga customers na gumagamit ng kanilang parking spaces.

Kapansin-pansin din umano na nagdadagdag pa ang mga ito ng bayad kapag lumampas sa mahigit tatlong oras na nakaparada ang sasakyan ng mga customers.

Isa pa rito ang pagtanggi ng management sa responsiblidad sa sanda­ling mawala ang sasakyan o anumang personal na gamit sa loob nito kahit na mayroong security guard dito.

Ani Teodoro panahon na para itigil ang ganitong pagpapahirap sa customers.

Sa ilalim ng panukala ang mga may-ari ng shopping malls, hotel at kahalintulad na negosyo at commercial establishments ay pagbabawalan na maningil ng parking fees at hindi na rin sila bibigyan ng building permit para sa konstruksyon ng kanilang commercial establishment kapag hindi nagsumite ang may-ari ng affidavit na libre ng parking fees ng kanilang mga customers.

ANI TEODORO

DISTRICT MARIKINA REP

HOUSE BILL

ISA

KAPANSIN

MARCELINO TEODORO

TUMATAGINTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with