MANILA, Philippines - Nasawi ang apat na katao matapos na makulong sa nasusunog nilang residential-condominium building sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga matapos umanong pumutok ang nag-overheat na cell phone charger.
Ang mga nasawi ay kiÂnilalang sina Erlinda Ching, 40, at mga kasambahay na nakilala lamang sa mga pangalang Princess, Fatime at Rema.
Natagpuan ang bangkay ni Ching na nakalawit pa ang paa nito sa rehas ng nakakandadong fire exit sa mezzanine na pinaÂniniwalaang nais nitong makalabas.
Habang ang mga kasambahay nito ay natagpuang magkakatabi sa 3rd floor ng bahay sa 604 Fernandez St., Sta. Cruz, Maynila.
Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa inuupahang bahay ng mga biktima.
Halos umabot sa dalawang oras ang sunog bago ito idineklarang fire-out dakong 7:00 ng umaga na umabot sa ikalimang alarma.
Sa inisyal na ulat na ang sunog ay nagsimula sa sumabog na cell phone charger na umano ay nag-overheat.
Tinatayang P3 milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy.