^

Police Metro

Mga tauhan ni Kumander Kato sumalakay... BIFF vs Militar: 8 utas

Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ni Kumander Umbra Kato at 4 sundalo ang nasawi nang magka-engkuwentro nang ata­kihin ng grupo ng una ang isang militiamen outpost, subalit nang masusukol ay binihag ng mga ito ang 4 guro at 11 es­tudyante kahapon sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Sa ulat ng Army’s 602nd Infantry Brigade bandang alas-2:20 ng madaling-araw nang i-harass ng grupo ng BIFF ang isang outpost ng Civilian Volunteers Organization (CVO) sa Brgy. Rangaban III, Midsayap ng lalawi­gan sa pangunguna ni Commander DM at  Abas Kudanding.

Nagsagawa naman dakong alas-8:00 ng umaga ng hot pursuit operations ang tropa ni Lt. Col. Roberto Huet at nakasagupa ang tropa ng BIFF sa Brgy. Tugal sa nasabing bayan at napatay ang apat na BIFF at isang sundalo.

Nang malapit nang masukol ay hinostage naman ng BIFF ang apat na guro at 11 estudyante na ginawang human shield sa pagtakas sa Brgy. Mali­ngao, Mirasol at  Polongo­guen.

Ayon naman sa Mala­cañang na walang failure of intelligence sa panig ng military sa nangyaring hostage-taking ng mga tauhan ng BIFF.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacier­da, nagsasagawa mismo ng combat patrol ang mga sundalo ng makasagupa nila ang mga miyembro ng BIFF na tauhan ni Umbra Kato.

Nagsagawa ng  negosasyon ang isang barangay chairman sa lugar at napalaya ang mga bihag.

ABAS KUDANDING

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BIFF

BRGY

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

INFANTRY BRIGADE

KUMANDER UMBRA KATO

MIDSAYAP

NAGSAGAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with