MANILA, Philippines - Utas ang isang sundalo at tatlong miyembro ng CAFGU sa pagsalakay na isinagawa ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa outpost ng security forces sa Sitio Lantad, Brgy. Kibanban, Balingasag, Misamis Oriental kahapon ng madaling araw.
Ayon sa report, ang Lantad outpost na gawa lamang sa light materials ay sinasabing sinunog din ng mga sumalakay na NPA.
Ang nasabing outpost ay tinawag na “Village of Hope†noong taong 2005. Ito ang araw na ang mga militar at Local Government ng Misamis Oriental ay narating ng mga mamamayan at palayain sila mula sa kamay ng mga komunista.
Isang security forces outpost ang itinayo para magmantina ng kapayapaan at seguridad sa lugar kaya ginawaran ng “Galing Pook†award noong 2010 ang nasabing probinsiya dahil sa magandang vision sa kalikasan.
Nabatid na dakong ala-1:00 ng madaling araw ng salakayin ng hindi pa batid na dami ng NPA ang nasabing outpost habang mahimbing na natutulog ang mga residente.
Nagbahay-bahay ang mga rebelde at tinalian ang mga sibilyan, lalo na ang mga kilala nilang sumusuporta sa pangkapayapaan at kaunlaran sa lugar bago paputukan ang mga security forces at isang sundalo na nakatalaga sa lugar.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima.