MANILA, Philippines- Nagpatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw na ito.
Kabilang sa mga nag-rolbak ang mga kumpanya ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, PTT Philippines at Seaoil Corporation.
Magkakahalintulad na presyo ang itinapyas ng naturang mga kumpanya.
Nasa P.70 sentimos ang ibinawas sa kada litro ng premium at unleaded gasoline, P.90 sentimos sa kada litro ng diesel at P1 sa kada litro naman ng kerosene.
Epektibo ang naturang rolbak dakong alas-12:01 ng Lunes ng madaling-araw.
Wala pa namang adviÂsory ang iba pang kumpanya ng langis sa bansa ngunit inaasahan na susuÂnod din ang mga ito sa bagong gaÂlaw sa lokal na merkado.
Nitong nakaraang linggo, nagtapyas din ang mga kumpanya ng langis ng P.30 kada litro ng gasoline at P.30 kada litro sa keroÂsene.