MANILA, Philippines - Huli sa mga awtoriÂdad ang dalawa pang suspek na sinasabing responsable sa pagpasÂlang at pagnanakaw sa advertising executive na si Kristelle ‘Kae’ Davantes makaraang ituga ng unang naarestong suspek.
Kinilala ni Sr. Supt. Christopher Laxa, pinuno ng TF Kae ang daÂlawa na sina Lloyd Enriquez, 18 at Jojo Diel, 30-anyos.
Si Enriquez ay naÂdakip sa Cupang, Muntinlupa nitong nakaraang Sabado habang kusang-sumuko si Diel. Matatandaan na unang nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Samuel Decimo, 19-anyos, noong nakaÂraang Biyernes.
Ayon kay Laxa, inamin din umano ng dalawa na pagnanakaw ang kanilang pakay kaya inalis na ng pulisya ang anggulong “crime of passion†sa pagpaslang sa 25-anyos na biktima na senior account manager ng McCann Worldgroup.
Kasalukuyan pang tinutugis ng pulisya ang tatlo pang suspek na nakilala sa mga alyas na “Jomar, Pepito at Fasher†na itinuro ng mga naarestong suspek na kanilang mga kasamahan sa krimen.
Hindi pa naman maÂlinaw kung kanino mapupunta ang P2.5 milyong pabuya na iniÂlabas ng NCRPO buhat sa ambag ng mga conÂcerned citizen at ng Office of the President.