MANILA, Philippines - Nabigo umano ang pamunuan ng Bureau of Fire and Protection (BFP) na maipatupad ang moÂdernisasyon ng ahensiya gayung mayroon itong P2.08 bilyon pondo na hindi ginagalaw sa loob ng nakalipas na tatÂlong taon.
Ito ang banat kahapon ni Senator Aquilino “Koko†Pimentel III na ang ginawang basehan ay ang ulat ng Commission on Audit (COA).
Inakusahan ni Pimentel ang liderato ng BFP na natutulog sa kanilang trabaho dahil hindi nito nagagamit ng tama ang alokasyon na dapat sana ay napapakibangan ng mga mamamayan.
Hindi rin inaalis ni Pimentel ang posibiliÂdad na may napapaÂborang kontraktor na nagiging balakid sa modernization program ng BFP dahil nauuwi lamang sa pagasampa ng kaso ang mga biddings para sa pagbili ng mga fire trucks, supplies at iba pang equipment ng BFP.
Kinatigan ni PimenÂtel ang Department of Interior and Local GoÂvernment (DILG) na dapat maging mabilis ang pagtapos ng review ng mga dokumento kaÂugnay sa pagbili ng mga bagong fire trucks at iba pang equipment upang mapakinabangan ng mga mamamayan ang mga benepisyo ng moderniÂzation program.
– Malou Escudero –