^

Police Metro

P2.08-B pondo ng BFP hindi ginagamit

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabigo umano ang pamunuan ng Bureau of Fire and Protection (BFP) na maipatupad ang mo­dernisasyon ng ahensiya gayung mayroon itong P2.08 bilyon pondo na hindi ginagalaw sa loob ng nakalipas na tat­long taon.

Ito ang banat kahapon ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na ang ginawang basehan ay ang ulat ng Commission on Audit (COA).

Inakusahan ni Pimentel ang liderato ng BFP na natutulog sa kanilang trabaho dahil hindi nito nagagamit ng tama ang alokasyon na dapat sana ay napapakibangan ng mga mamamayan.

Hindi rin inaalis ni Pimentel ang posibili­dad na may napapa­borang kontraktor na nagiging balakid sa modernization program ng BFP dahil nauuwi lamang sa pagasampa ng kaso ang mga biddings para sa pagbili ng mga fire trucks, supplies at iba pang equipment ng BFP.

Kinatigan ni Pimen­tel ang Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) na dapat maging mabilis ang pagtapos ng review ng mga dokumento ka­ugnay sa pagbili ng mga bagong fire trucks at iba pang equipment upang mapakinabangan ng mga mamamayan ang mga benepisyo ng moderni­zation program.

– Malou Escudero –

BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

INAKUSAHAN

KINATIGAN

MALOU ESCUDERO

SENATOR AQUILINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with