^

Police Metro

2 babae na taga-‘LTFRB’ dakip sa entrapment

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto kahapon sa isang entrapment operation sa isang restoran sa Magalang St., Brgy. Pinyahan, Quezon City ang dalawang babae na nagpakilalang kawani ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos na hingan ng malaking pera kapalit ang bibilhing prangkisa ng isang dentistang babae.

Ang mga suspek na inaresto ay kinilalang sina Ma. Lourdes Natividad, at Lita Galera, 37 pawanag taga-Brgy. Pinyahan ng lungsod.

Inireklamo ng isang Ma. Leonora Andya-Zo­leta, 42, may-asawa, dentista ng Block 10, Lot B, Greentown Villas 1, Mambog, Bacoor, Cavite City kaugnay sa paghingi ng pera ng mga ito na may kabuuang P170,000 para sa paglalakad ng prangkisa ng UV Express.

Nag-ugat ang pag-ares­to nang makipagtran­saksyon ang biktima sa mga suspek para sa pagbili ng prangkisa ng UV Express sa hala­gang P170,000 noong July 15, 2013 sa may opisina ng mga huli sa may Maga­lang St. at nagbigay ito ng P100,000.

Subalit, bago magtapos ang buwan ng Oktubre nang muling tsinek ang status ng kanyang aplikasyon sa mga suspek ay hindi na mahagilap kahit sa tawag o text.

Nang muling magkita ay hiningi ng mga suspek sa biktima ang balanseng P70,000 para sa maaga umanong paglabas ng kanyang aplikasyon.

Nagduda na ang biktima kung kaya’t humingi ito ng tulong sa pulisya na  nagsagawa ng entrapment operation sa nasabing lugar at  nadakip ang mga suspek.

BRGY

CAVITE CITY

GREENTOWN VILLAS

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LEONORA ANDYA-ZO

LITA GALERA

LOT B

LOURDES NATIVIDAD

MAGALANG ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with