Baliw sinumpong tinodas
MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala at namatay noon din ang isang 53-anyos na lalaking may diperensya sa pag-iisip matapos itong pagbabarilin ng dalawang lalaki nang sumpungin na naman ng pagkabaliw kamakalwa sa Brgy. San Roque, Bislig City, Surigao del Sur. Ang nasawi ay nakilalang si Anañas Agbones, residente sa nasabing lugar.
Batay sa ulat, bandang alas-2:00 ng madaling-araw noong Martes ay nagwala na naman ang biktima matapos itong sumpungin ng kanyang sakit na kung saan ay nagsisigaw, nambabato ng kabahayan at nanakit ng makakasalubong na tao sa kanilang lugar.
Humingi ng tulong ang pamilya nito sa mga barangay opisyal na tulungan silang ikulong muna ang biktima sa isang make-shape confinement room.
Gayunman, habang nagwawala ang biktima ay dalawang hindi nakilalang lalaki na nagkukubli sa dilim ang bigla na lamang sumulpot at pinagbabaril ito.
- Latest