^

Police Metro

Nur breakaway group kakasuhan ng rebelyon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasong rebelyon ang isasampa ng pamahalaan laban sa grupo ni Moro National Liberation Front (MNLF) breakaway group Nur Misuari kaugnay ng madugong Zamboanga City siege na nasa ika-sam­pung araw na kahapon.

Inatasan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, ang PNP para kumpletuhin ang mga ebidensya laban sa grupo ni Misuari sa matinding pinsalang ginawa ng mga ito sa mga barangay ng  lungsod tulad ng Brgys. Rio Hondo; Talon-Talon, Mampang; Sta. Catalina at Sta. Barbara.

Kabilang naman sa nasasaklaw ng rebelyon na kinasangkutan ng grupo ni Misuari ay murder, arson sa may 900 kabahayang sinunog sa Sta. Catalina at Sta. Barbara; illegal possession of firearms at iba pa base sa pahayag ng mga testigo na kinabibila­ngan ng mga rouge MNLF surrenderees at ng mga nakala­yang hinostage na sibilyan.

Karagdagang kasong paglabag sa Republic Act 9851 o ang paglabag sa International Humanita­rian Law, genocide at iba pa matapos na sumalakay sa mga naapektuhang barangay at i-hostage ang mga sibilyan na ginawang “human shield”.

Inatasan na rin ni Roxas ang Department of Justice na pag-aralan kung maari ring isama sa sasampahan ng kaso si Misuari, founding Chairman ng MNLF na bagaman hindi nakita sa mga ni-raid na lugar ay hinihinalang siyang mastermind sa siege.

 

DEPARTMENT OF JUSTICE

INATASAN

INTERNATIONAL HUMANITA

MISUARI

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

REPUBLIC ACT

RIO HONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with