MANILA, Philippines - Habang hinaharap ang kasong plunder kaugnay sa P10 bilyong pork barrel fund scam ay pabor si Senator Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na suspindihin ang tatlo niyang kasamang senador.
Naniniwala si Poe na dapat magkaroon ng suspensiyon habang isinasagawa ang trial bagaman at sa ngayon ay nasa Ombudsman pa lamang ang reklamo at hindi pa naisampa sa Sandiganbayan.
Sinabi pa ni Poe na nagugulat siya na may ilang opisyal ng gobyerno na kahit may kinakaharap na non-bailable offense o walang piyansang kaso ay nananatili pa rin sa puÂwesto.
Kahit aniya charge o reklamo pa lamang ay dapat suspendihin ang isang opisyal mula sa kanyang posisyon.
Matatandaan na ang tatlong senador na kinaÂsuhan ng plunder ay sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Ramon “Bong†Revilla Jr.
Pabor din si Poe na ipagpatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon tungkol sa P10 bilyong pork barrel scam.
Maging si Senator Jose Victor Ejercito ay pabor sa pagpapatuloy ng imbestigasyon kahit pa ang isa sa mga nakasuhan ay ang kapatid niya sa ama.
Hindi aniya dapat maghinala ang taumbayan na may pinagtatakpan ang Senado kaya biglang ititigil ang imbestigasyon.
Tiniyak ni Senator TeoÂfisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na ipagpapatuloy ang imbesÂtigasyon sa darating na Setyembre 24.
Umapela rin si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ ConfeÂrence of the Philippines (CBCP)-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA), na magbakasyon muna ang tatlong senador para bigyang pagkakataon ang patas na imbestigasyon kaugnay sa kinakaharap na kasong plunder.
“Delicadeza dapat na magpahinga muna sila upang mabigyan naman ng daan yung jusÂtice,†ani Pabillo.
Nilinaw rin ng Obispo na bagamat kakampi ng Simbahan ang tatlong Senador sa usapin ng RH law ay hindi nangangahulugan na magsasawalang-kibo ang Simbahan sa usapin ng pork barrel.