Bagets dalawang beses sinagasaan

MANILA, Philippines -Siniguradong hindi na mabubuhay pa ang isang 13-anyos na binatilyo na dalawang ulit na sinaga­saan ng hindi pa kilalang driver na naganap kahapon ng mada­ling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Joel Realista, ng 545 Earnshaw St., Sampa­loc, Maynila.

Hindi pa kilala ang suspek na ang sasakyan ay may plakang WMM 990.

Sa ulat, dakong alas-2:25 ng madaling araw nang sa Earnshaw St. kanto ng Galicia St., Sam­paloc, Maynila nang ma­aksidenteng mabangga ang biktima habang ito ay naglalakad ng sasakyan ng suspek na patungong norte.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon  ang biktima ng ilang metro saka bumagsak sa semen­to.

Tumigil ang driver ng sasakyan, subalit sa halip na tulungan ay muli nitong pinaandar ang sasakyan at sinagasaan muli ang biktima.

Isang concerned ci­tizen ang nakakita ng plaka ng suspek at tumulong para dalhin sa ospital ang biktima, subalit namatay din ito.

Show comments