MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad ang binaril nang malapitan sa harap ng kanyang misis kamakalawa sa Brgy.Tinaplan, Leon Postigo, ZamÂboanga del Norte.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa tama sa bibig na tumagos sa batok ay nakilalang si Tommy Moniva, 44, konsehal sa Brgy. Tinaplan.
Batay sa ulat, magkataÂbing nakaupo ang biktima at misis nito sa kanilang sala nang sumulpot ang suspek at binaril ang biktima na nasapul ng tama ng bala na agad nitong ikiÂnaÂmatay.
Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.