^

Police Metro

Pusher patay sa shootout, 7 timbog

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga ope­ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Marikina City Police ang isang kilabot na drug pusher nang magkaroon ng shootout sa isinagawang buy bust ope­ration sa J.P. Rizal St., Santo Niño, Marikina City na kung saan ay lima ang naaresto.

Ang nasawi ay kini­lalang si Alexander Siobal alyas “Boss”

Habang ang pitong nada­kip ay sina Conrado Ma­­calino, 46; Richard Pas­cual, 40; Michael Ba­lagtas, 46; Rommel Tiangco, 40; Frederick del Rosario, 35; Ranier Amante, 34; at Darwin Canieso, 23, mga residente sa Marikina City.

Sa naantalang ulat, ganap na ala-1:30 ng hapon, nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na tropa ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Atty. Jacquelyn De Guz­man, at koordinasyon ng Marikina City Police at ng tulong ng Military Intelligence Group, Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP), sa labas ng bahay ni Ba­lagtas na ginagawang drug den sa may Sto. Niño, Marikina City.

Agad nagkaroon maik­ling palitan ng putok sa pagitan ng isa sa mga suspek at nagresulta sa pagkakasugat ng isa sa PDEA personnel at pagka­matay ni Siobal.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga sachets ng shabu, na tumitimbang ng 75 grams at nagkakahalaga ng P375,000 pesos, mga drug paraphernalia, isang Ford Focus (ZSH 411) at isang cal.45 Colt pistol na may magazine na naglalaman ng anim na bala.

 

ALEXANDER SIOBAL

CONRADO MA

DARWIN CANIESO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FORD FOCUS

INTELLIGENCE SERVICE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with