^

Police Metro

Consumer group nanawagan sa SBMA

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang consumer advocacy group sa pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), maging sa Bureau of Customs (BoC) na silipin ang mga delikado  na mga  hazardous chemicals at iba pang gamit kung paano  ito itinatapon sa loob ng dating US naval base na ngayon ay Subic freeport.

Ayon kay Jake Silo, tagapagsalita ng Action for Consumerism and Transparency for Nation Building (ACTION), na sila ay  nag-aalala sa mga asbestos at iba pang  hazardous materials tulad ng polychlorinated biphenyls (PCBs), ay hindi umano nahahawakan nang maayos sa ginagawang  pagtatapon ng Bonapor Metal Contractor Services and General Merchandise, ang kumpanya na nakakuha ng kontrata  ng SBMA na magdemolis ng  power plant na ginamit ng mga Amerikano at pag-salvage ng mga  scrap metal sa nasabing  pasilidad.

Ayon pa kay Silo, noong Agosto 5 ay  naharang ng mga  BOC Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang trak ng  Bonapor na umano ay naglalabas ng mga Freeport scrap materials mula sa da­ting  Subic Power Plant na umano ay hindi nagbayad ng mga buwis at iba pang bayarin.

Ang Bonapor, ay pag-aari ng isang  Bonifacio Aporo, na dating pulis ng Western Police District (ngayon ay Manila Police District) ay kasalukuyang iniimbestigahan ng  CIIS-Subic Collection District.

Ayon pa sa ACTION na dapat ay suriin ng  SBMA at BOC kung nagbabayad ang kumpanya ng mga kinakailangan lisensiya sa paghawak ng hazardous at mga delikadong kemikal at kung paano ang ginagawa nilang pagtatapon.

Hiniling din ng grupo sa CIIS na suriin mabuti ang laman ng mga nakumpiskang trak noong Agosto 5 kung mayroon doon na  asbestos na isang delikadong kemikal.

AGOSTO

ANG BONAPOR

AYON

BONAPOR METAL CONTRACTOR SERVICES AND GENERAL MERCHANDISE

BONIFACIO APORO

BUREAU OF CUSTOMS

CONSUMERISM AND TRANSPARENCY

CUSTOMS INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with