MANILA, Philippines Nakita na ang kotse ng pinaslang na advertising executive na si Kristelle “Kae†Devantes sa loob ng isang subdibisyon sa Las Piñas City kahapon ng umaga.
Ayon kay Las Piñas Police chief, Sr. Supt. AdolÂfo Samala, natagpuan ang silver Toyota Altis (PIM 966) sa kanto ng Nickel at Silver Streets sa Camella Homes sa Brgy. Pamplona 3 ng naturang lungsod.
Ipinaalam naman ng pulisya sa pamilyang DeÂvantes na naninirahan sa Moonwalk, sa naturang lungsod, ang pagkakatagpo sa sasakyan ng Kae.
Agad namang nagtuÂngo sa lugar ang mga magulang ng biktima at kinikilala ang mga personal na gamit na nasa loob ng sasakyan.
Tinangkang sunugin ng mga salarin ang kotse dahil sa sunog na ang dashÂboard nito.
May mga damit na pambata na ibiÂnaÂbad sa diesel ang natagpuan sa loob ng kotse habang binaklas ang mga upuan.
Hawak na ngayon ng mga imbestigador ng Task Force Kae ang nasabing kotse at nangaÂngalap pa ng dagdag na impormasyon upang maÂkakuha ng lead sa ikaluÂlutas ng kaso.
Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima sa Bonifacio Global City sa Taguig bago mag-isang umalis sakay ng kanyang kotse hanggang sa makita ang bangkay nito sa gilid ng tulay sa Cavite City.