MANILA, Philippines - Pinalaya ng mga banÂdidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang bihag nilang medical technologist sa Tigbaw Market, Brgy. Asturias, Jolo, Sulu matapos ang 107 na pagkakabihag.
Kinilala ni 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Sulu Commander Col. Jose Johriel Cenabre ang pinakawalang bihag na si Casilda Villaraza, bandang alas-5:00 ng umaga matapos ang isinagawang operasyon ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya.
Sa tala, si Villaraza, MeÂdical Technologist sa InÂtegrated Provinical Health Office (IPHO) ay binihag ng grupo ni Abu Sayyaf sub-leaders Julie Beting at Juli Ikit na pinamumunuan na Commander Radulan Sahiron noong Mayo 18 ng taong ito.