Ginawang asawa, pinagpapalimos…dalaga kinidnap ng ka-textmate
MANILA, Philippines - Naging kalbaryo ang buhay ng isang 21-anyos na dalaÂga sa pakikipag-eyeball sa kanyang ka-textmate matapos siyang kidnapin nito at ginawang asawa ng halos tatlong buwan sa Sampaloc, Maynila.
Ang biktima na natagpuang nanglilimahid ang katawan at nanghihingi ng pagkain sa mga residente ay itinago sa pangaÂlang “Isangâ€, residente ng Caliraya, Quezon.
Ang suspek ay nakilaÂlang si Milbert Roxas, 41, ng Sampaloc, Maynila ay dinakip ng mga pulis at kinasuhan ng kidnapping.
Batay sa imbestigasÂyon, halos tatlong buwan na nawala ang bikÂtima matapos itong makipagkita kay Roxas na kanyang ka-textmate at nabola ito sa mga ipinapadalang message sa cell phone kaya’t nang magkita ay hindi na ito pinakawalan at ginawang asawa.
Bagama’t nais na ng biktima na makatakas sa suspek ay hindi nito magawa dahil nasira ang kanyang cell phone kaya’t hindi niya makontak ng mga kaanak.
Maging ang cell phone ng suspek ay pinabaÂbayaÂran sa biktima ng P3,000 dahil ito umano ang nakawala.
Pinagbabantaan pa umano ng suspek na paÂÂpaÂÂtayin ang daÂlaga kung iiwan
siya nito hangÂgang sa tumagal silang magkasaÂma ng walang pera at maÂmalimos na lamang.
Kamakalawa nang mamataan ang biktima at suspek ng mga residente ng San Antonio St., San Andres, Malate, Maynila na nanghihingi ng makakain bandang alas-12:00 ng tanghali, kaya’t ini-report kay Chairman Renato Mendoza ng Barangay 723, Zone 79.
Pinagdudahan ng mga tagaroon ang presensiya ng dalawa kaya’t ipinahuli sa barangay bago dinala sa himpilan ng pulisya.
Nang beripikahin, lumitaw na ang dalaga ay matagal nang naka-blotter
sa MPD-Headquarterrs sa Children and Women Protection Investigation
Section na nawawala.
Ikinatuwa naman ng mga magulang ng dalaga ang kanilang pagkiÂkita kahit naglilimahid o maduÂngis ang hitsura at damit ng anak, na tulala na rindahil sa gutom.
- Latest