Electric fan nag-over heat, trader natusta sa sunog
MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala ang bangkay ng isang 57-anyos na ama ng tahaÂnan dahil sa pagkasunog ng buong katawan habang ang kanyang misis at dalawang anak ay na-suffocate nang sila ay ma-trap sa nasusunog nilang bahay naganap kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.
Ang nasawi ay nakiÂlalang si Andrew Tang, negosyante habang ang kanyang mag-iina na nakaligtas dahil sa tinamong minor injuries at suffocation ay nakilalang sina Kristine, 47; mga anak na sina Kelvin, 19 at Aldrin, 20, pawang residente ng nasunog bahay na matatagpuan no. 2512 Leonor Rivera St. Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay Kristine na posibleng ang nakabukas na Rota-aire electric fan na gamit sa pampatuyo ng mga nilabhang damit sa ika-2 palapag ang nag-over heat na naging sanhi ng sunog habang sila ay mahimbing na natutulog dakong alas-2:57 ng madaling-araw.
Nang marinig ang fire alarm sa gusali ay bumaÂba pa si Andrew upang tingnan, subalit na-trap ito sa kapal ng usok at apoy sa daraanan.
- Latest