P250-M shabu nakumpiska ng PDEA
MANILA, Philippines - Dalawang Chinese national ang naaresto sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa sa Las Piñas City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Jang Wei Chung, alyas “Airas Chenâ€, 30, ng no. 236 Ongpin St., Sta. Cruz, Maynila; at Yaya Zheng, babae, 26 at nakumpiska sa kanila ang mga shabu na aabot sa P250 milyon.
Nabatid na isinagawa ang operasyon kamakalawa ng hapon makaraang isang asset ng PDEA ang nakipag-transaksyon sa mga suspek sa pagbili ng shabu. Itinakda ang bentahan sa may Brgy. Pamplona II, ng naturang lungsod.
Hindi na nakapalag sina Jang at Zheng nang mapalibutan ng mga ahente ng PDEA matapos na magkaabutan ng bayad at ng droga.
Nakumpiska sa posesyon ng mga suspek ang nasa 50 kilo ng hinihinalang shabu at isang Mitsubishi Montero na gamit ng mga suspek sa operasyon.
- Latest