Tanod inakalang MNLF napatay
MANILA, Philippines - Napatay sa engkuwentro ng mga sundalo ang isang barangay tanod matapos mapagkamalan na miÂyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Roque, Zamboanga City.
Kinilala ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, ang nasaÂwing barangay tanod na si Francisco “Jun†Macrohon, 52 ng San Roque dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nilalapatan naman ng lunas sa Western Mindanao Medical Center ang anak nitong si Archie Macrohon, 21.
Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa harapan ng Petron Gasoline Station sa Brgy. San Roque na kabilang sa lugar kung saan nakitang gumagala ang MNLF rogue elements.
Nabatid na nakatanggap ng report ang Task Force Zamboanga na may mga armadong MNLF breakaway group sa lugar kaya mabilis ang mga itong nagresponde.
Sa gitna na rin ng maÂnaÂkanakang pagpapaputok ng MNLF sa lugar ay ekÂsaktong naispatan ng mga sundalo ang mag-ama na nakasuot na mistulang saÂsabak sa giyera habang bitbit pa ng matanda ang armas nito.
Isa umanong security guard na nasa lugar ang agad na pinaputukan ang mag-ama at nakiputok din ang Task Force Zamboanga ng militar kung saan nasapul ng ang matandang Macrohon na siya nitong ikinasawi.
- Latest