MANILA, Philippines - Dead on the spot ang dalawang lalaking holdaper matapos makipagbarilan sa mga pulis na sumita sa kanila nang holdapin ang mga pasahero ng isang jeep kamakalawa ng gabi sa Brgy.TaÂtalon, Quezon City.
Inilarawan ang isa na nakasuot ng kulay gray na t-shirt, maong shorts, may taas na 5’2†at may tattoo na ‘Tuper Polintang’ sa leeg, ‘SSS’ sa dibdib, at ‘Sol Agustin’ sa likod.
Ang ikalawa naman ay nakasuot ng maroon na t-shirt na may Nazareno, maong pants, may taas na 5’9 at may tattoo na ‘Angel Hermit’ sa dibdib,’ ‘Noyet’ sa kaliwang braso, at ‘Maris Cotes’ sa tagiliran.
Sa salaysay ng driver ng jeepney (PXC-273) na si Samuel Deloso, biÂnabaybay umano niya ang E. Rodriguez nang sumakay ang mga holdaÂper na nagpanggap na pasahero at ilang sandali ay naglabas ng baril at nagdeklara ng holdap sa apat na pasahero sa harap ng Quezon-Institute.
Tiyempo namang nagÂÂsasagawa ng anti-criÂÂminality patrol ang tropa ni P/Supt. Victor Pagulayan sa lugar at napansin nila ang dalawang holdaper na tumaÂlon mula sa umaandar na jeep.
Lumapit ang mga pulis sa jeep ngunit napansin sila ng mga holdaper at pinaputukan ang mga una.
Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang dalawa na nakuhaan ng isang kalibre 38 at isang basyo ng bala ng kalibre 45.
Nabawi sa mga suspek ang mga gamit na tinangay sa mga biktima. – Dagdag ulat ni Jam Krisette Nuñez (trainee) –