^

Police Metro

Bulto ng ebidensiya laban kay Napoles atbp. ibinigay na sa NBI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinigay na kahapon sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kahun-kahong mga dokumento na magsisilbing documentary evidence na gagamitin sa paghahain ng kasong plunder laban sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles at iba pang isi­nasangkot sa isyu ng ma­anomalyang paggamit ng pork barrel.

Dakong alas 4:00  ng hapon nang magtungo si Atty. Levito Baligod sa NBI Special Task Force para isumite ang mga nakakahong dokumento.

Kinabibilangan umano ito ng affidavit ng mga whistle blowers na kanilang panunumpaan, tripartite memorandum agreement, accounting ng mga naging transaction ni Napoles sa mga mambabatas simula pa noong taong 2004 hanggang 2010.

Sa susunod na linggo naman umano ay isusumite rin ng kanilang kampo ang mga documentary eviden­ce na may kinalaman sa Ma­lampaya funds.

DAKONG

IBINIGAY

JANET LIM-NAPOLES

KINABIBILANGAN

LEVITO BALIGOD

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

SPECIAL TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with