Regional Director ng BFP nalunod

MANILA, Philippines -Nasawi ang isang Regional Director ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Region V nang ito ay malunod sa karagatan ng Legazpi City, Albay kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si BFP  Region V Chief  Fire Sr. Supt. Leonardo Prades Jr., 55, ng Naga City, Camarines Sur.

Batay sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang marekober ang bangkay ng biktima nang ito lumutang sa karagatan ng Legazpi Boulevard, Puro, Legazpi City.

Nabatid na isang team ng Philippine Coast Guard sa pamumuno ni Petty Officer Enrique Caneta na nagsasagawa ng physical fitness sa Victory Village sa lugar nang matanawan ang palutang-lutang na bangkay ni Prades sa karagatan.

Nagresponde sa lugar ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa pamumuno ni Sr. Inspector Wilfredo Pabustan Jr., at naiahon ang bangkay ng biktima at lumilitaw sa pagsusuri na walang nakitang foul play.

Show comments