MANILA, Philippines - Upang maresolba ang krisis sa Zamboanga City matapos ang paglusob ng daan-daang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari breakaway group na may hawak pang mga residenteng hostages ay kailangan na umanong manghimasok ang United Nations (UN). Sinabi ni Crisis Committee Council (CMC) ChairÂman at Zamboanga City Mayor Isabelle ‘Beng†Climaco-Salazar, hinihiling ng MNLF breakaway group ang pagpasok sa eksena ng UN upang maresolba ang krisis dahilan isa umano itong mabigat na problema.
Nagmamatigas umano ang grupo ng MNLF na pinamumunuan ni Nur Misuari at ng limang Commanders nito na nasa likod ng Zamboanga siege na makipagnegosasyon sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan para palayain ang nalalabi pang mga hostages.
Hinggil pa sa pahayag ng MNLF sa paghingi ng mga ito ng tulong sa UN para panghimasukan at tumulong sa pagresolba sa Zamboanga crisis ay walang pangalang Daniel Xavier na tumutugma bilang kinatawan ang UN kahit na iberepika pa ng grupo ni Misuari sa US Embassy.