Bodega ng NFA grinanada

MANILA, Philippines -Isang bodega ng National Food Authority (NFA) sa Jolo, Sulu ang su­mabog nang ito ay hagisan ng granada ng hindi pa kilalang mga suspek kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang mangyari ang paghahagis ng granada ng hindi pa nakilalang mga suspek sa nasabing bodega.

Wala namang naiulat na nasugatan bagaman nagtamo ng pinsala ang nasabing bodega bunga ng insidente.

Nasa full alert naman ang tropa ng Philippine Marines sa lalawigan upang mapigilan ang spillover ng gulong inihasik ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City sa kapitolyo ng Jolo , Sulu.

Show comments