MANILA, Philippines -Lasog ang katawan ng isang 38-anyos na lalaki matapos na bagsakan ng mga steel plates na karga ng isang 6-wheeler truck na tumagilid kahapon ng umaga sa San Andres, Maynila.
Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Manolito Tupaz, 38, ng no. 2175 Road 12, Fabie Estate, Sta. Ana,
MayÂnila habang nilalapatan ng lunas ang backrider na si Ronald Cestuto sa Ospital ng Maynila.
Ang suspek na sumuko ay nakilalang si Alex Damaso, 49, ng Waling-waÂling St., Caloocan City, driver ng Isuzu Elf
(TDT-721).
Sa ulat, dakong alas-10:20 ng umaga naÂgaÂnap ang insidente sa intersection ng Osmena Highway at San Andres, Maynila.
Nabatid na galing sa south ang kulay asul na Isuzu Elf nang maÂwaÂlan umano ng preno kaya’t kinabig ito pakaÂliÂÂwang direksiyon ni DaÂmaso na eksaktong naka-red light na, subaÂlit tumagilid ang truck na bunga ng mabigat na
karÂgamentong bakal ay dumausdos pabagsak sa kaÂtabing motorsiklo ni Tupaz.