SK elections ipagpapaliban
MANILA, Philippines -Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillante na posibleng ipagbaliban ang pagsasagawa ng Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 28 matapos na pag-usapan ang pondo at hindi ang pagsagawa ng halalan.
Kabilang sa mga napag-usapan ay ang milyong pondo ng SK kung saan napuÂpunta lamang sa sports activities, sayawan at iba pa kung saan humahantong sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan.
Hindi naman napag-usapan kung dapat nang isabay sa barangay elections ang SK elections.
Samantala, aprubado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na ipagpaliban muna ang SK elections.
Sinabi nina Dinagat Island Rep Arlene “Kaka†Bagao at Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, walang napagkasunduan kung kailan muli idaraos ang SK elections, subalit ang suspensyon nito ay hanggang sa Mayo 2016.
Nabatid na 11 miyembro ng komite ang bumoto pabor habang isa naman ang tumutol dito.
- Latest