^

Police Metro

BI personnels ban sa paggamit ng cell phone

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng bagong direktiba si Bureau of Immigration (BI) OIC Commissioner Siegfred Mison na nagbabawal sa paggamit ng cell phone sa oras ng trabaho ang lahat ng immigration personnels sa Ninoy Aquino International Airport at sa iba pang paliparan sa bansa.

Dapat anyang ideposito ng mga empleyado ang kanilang cell phones sa locker o pansamantalang iwanan sa kanilang supervisor.

Partikular na sakop ng kautusan ang lahat ng immigration officers na naka-talaga sa arrival at departure counters na siyang araw-araw na humaharap sa libu-libong mga pasahero.

Kabilang din sa kautusan ang mga team leaders ng Travel Control and Enforcement Unit, maging mga acting immigration officers at confidential  agents na nakatalaga sa Filipino counters.

Sa oras naman ng emergency ay maaaring makigamit ng cell phone ang empleyado sa kaniyang supervisors.

Kasunod ito ng insi-dente na nakunan sa CCTV ang ilang tiwaling emple­yado na nakipagsabwatan para makaalis o makapasok sa bansa ang blacklisted foreigner at mga biktima ng human trafficking at mga pugante sa pamamagitan ng paggamit ng cell phone.

 

 

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER SIEGFRED MISON

DAPAT

KABILANG

KASUNOD

NAGPALABAS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

TRAVEL CONTROL AND ENFORCEMENT UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with