Lovers, ex-brodkaster itinumba

MANILA, Philippines -Inatado nang saksak ang lovers at dating re­porter ang pinatay nang ito ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek sa Daan Naugsol, Barangay Mangan- Vaca, Subic, Zambales kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni P/Sr. Inspector Jelson Dayupay, hepe ng Subic Police Station, kinilala ang mga nasa-wing sina Melvin Espiri­tu, 30, at live-in partner nitong si Melody Iloco, kapwa residente ng Purok 1, Paradise St., Barangay Matain; at Salvador Zamuco, Jr., 48, dating reporter ng isang radio station sa Olongapo City at residente ng Purok 1, Barangay Naugsol ng bayang nabanggit.

Sa pagsisiyasat ng p­ulisya, bago naganap ang pamamaslang sa mga biktima dakong alas-5:00 ng hapon ay nanghiram ng pera si Espiritu sa kanyang kapatid sa Mangan-Vaca.

Pagkatapos na mabig-yan ng pera ay sumakay na ito sa motorsiklo (4182 OE) kasama si Iloco patu-ngong Barangay Naugsol.

Pagdating ng mga biktima sa mabundok na Daan Naugsol ng nasa-bing barangay ay hinarang sila ng mga suspek at pinagbabaril.

Namatay noon din ang mag-live in na kung saan ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan si Espiritu habang si Iloco naman ay sa ulo.

Nagkataon naman na napadaan sa lugar si Zamuco na sakay din ng kanyang motorsiklo at nakita ang mga suspek na nakatayo sa bangkay ng maglive-in kung kaya’t  binaril din ito at napatay.

Patuloy pa rin inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa maglive-in at kay Zamuco na napadaan lang sa lugar.

Show comments