MANILA, Philippines - Tatlong Chinese nationals ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na mahulihan ng nasa P314-milÂyong halaga ng shabu nang salakayin ang inuÂupahang unit ng mansion house na nagsisilbing drying station ng iligal na droga sa Tondo, Maynila.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Ong Tsen Siong alyas Jackie Lopez at William Uy; Lee Chian Chiat; at Sy Tian Kok na pawang kasapi ng isang drug syndicate na nag-o-operate sa bansa.
Nasa 62.7188 na kilo ng shabu ang nakumÂpiska sa Unit 704, sa 3rd floor ng Cathay Mansions na matatagpuan sa Mayhaligue St., Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Ayon sa NBI na nahirapan silang matukoy na shabu o metampheÂtamine hydrochloride ang kanilang nakumÂpisÂka dahil sa mistulang legal na produkto na nakabalot sa alumiÂnum foil tea bags, na may markings ng ChineÂse characters, na idiÂneÂdeklarang Chinese tea at medisina.