Meralco magtataas ng singil

MANILA, Philippines - Makakaranas nang pagtaas ng singil sa kur­­yente ng 18 senti­mo kada kilowatt hour (kWh) ngayong Set­yem­­bre o P36 sa bawat resi­­dential costumer na kumukonsumo ng ave­rage na 200-kWh ng kuryente kada buwan.

Ito ang inihayag ng Manila Electric Com­pany (Meralco) dahil ang pagtaas ng po­wer rates ngayong buwan ay bun­sod na rin umano nang pagtaas ng generation at transmission charges.

Ayon sa Meralco na bagamat bumaba ang rates ng bagong Power Supply Agreements (PSAs) at Independent Po­wer Producers (IPPs), ng tatlong sentimo per kWh dahil sa paghu­say ng capacity factor ng ilang planta at pagba­was ng coal price para sa supply month ng Agosto, gayundin ang buwis na bumaba na­man ng apat na sentimo per kWh, ay hindi naman ito masyadong naramdaman dahil sa pag­taas ng generation at transmission charges.

Nabatid na nag­ka­roon ng 13-centavo per kWh increase sa ge­ne­ration charge da­hil na rin sa P 8.70 per kWh upward ad­just­ment sa ha­laga ng elektrisidad na mula sa Wholesale Elec­tricity Spot Market (WESM).

Show comments