MANILA, Philippines - Anim na katao ang nasawi habang 24 ang nasugatan nang makasagupa ng tropa ng pamahalaan kahapon ang nasa 200-300 miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na sumalakay sa Zamboanga City.
Sa pahayag ni Zamboanga City Mayor Isabella Climaco-Salazar, na patuloy ang kanilang pagmobilisa sa sitwasyon ng kanilang lungsod mula sa pagsalakay ng umano’y mga miyembro ng MNLF members sa kanilang mga barangay na nasa baybaÂyin.
“Nagsimula ang krisis dakong alas-4:30 ng madaling-araw ay iniulat ng Zamboanga City Police Office na anim na katao na ang nasasawi-1 pulis, 1 Navy personnel at apat na sibilyan at 24 ang nasugaÂtan sa sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebeldeâ€, wika ni Salazar.
Idinagdag din ni Salazar na batay sa nakatanggap niyang ulat na maraming nasawi sa panig ng mga reÂbelde.
Naapektuhan ng sagupaan ang apat na barangays-Sta. Catalina, Sta. Barbara, Talon-talon at Mampang na kung saan ay 230 ang binihag sa Sta. Catalina, 50 sa Brgy. Sta. Barbara at 20 sa Brgy. Talon-talon naman sa Kasanyangan Village sa Mampang.
Sa kasalukuyan ay nasa 600 evacuees mula sa Arena Blanco at Rio Hondo ang nasa grandstand, 847 sa Tetuan Central School at Tetuan Parish Church. Habang ang iba ay nasa Talon-talon National High School.
Samantala, kinondena ni Pangulong Benigno Aquino III ang ginawang pag-atake ng MNLF kung saan ay giÂnawang human shield ang may 300 sibilyan.
Ito ang inihayag ni PreÂsiÂdential Spokesman Edwin Lacierda at ang tugon ng gobyerno ay sang-ayon sa layuning maibsan ang banta o panganib sa mga naiipit na mamamayan.
Nabatid na tinangka ng MNLF na atakihin ang city hall ng Zamboanga City kahapon ng umaga kaya’t nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga pulis at MNLF fighters sa barangay Sta. Catalina, Zamboanga City.
Nais sana ng MNLF na faction ni Nur Misuari na itaas ang kanilang bandila matapos silang magdeklara ng kanilang independence noong Agosto 12 sa Talipao, Sulu.