MANILA, Philippines - Tigok ang isang vendor makaraang pagbabarilin sa Brgy. Datu Esmael Dasmariñas City, Cavite, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Samad Unti, 38, residente ng Blk 46, Lot 16 Brgy Datu Esmael ng lungsod.
Nakilala lamang ang suspek sa alias na Mike Gapor na matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas dala ang baril na ginamit sa krimen.
Ayon kay PO3 Aaron Abesamis, may hawak ng kaso, dakong alas-2:00 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa isang abandonadong bahay.
Sinabing pumasok ang biktima sa isang abandonadong tahanan at sinundan siya ng suspek at doon ay pinagbabaril.
Inalaam ngayon ng pulisya ang motibo ng krimen at kung ano ang gagawin ng biktima sa bakanteng bahay.