MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa pagaÂmutan ang isang negosyante matapos itong pagtulungang barilin at pagtatagain ng apat na miyembro ng Barangay Police Action Team (BPAT) kahapon ng umaga sa Navotas City.
Ang biktima ay hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ay nakilaÂlang si George Bullos, 59, ng BJA Old Fishport, Barangay Northbay Boulevard South ng naturang lungsod.
Nakakulong naman ang isa sa apat an suspek na si Lino Bacalunay, 50, presidente ng BPAT habang nakatakas naman ang miÂyembro nito na sina Jeffrey Bacalunay anak ni Lino; Serafin Orolano at Eliseo Bardeloza na pawang residente ng Virgo Drive ng nasabing barangay.
Ayon sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Conrado Gongon, hepe ng Navotas City, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa Virgo Drive, Barangay NBBS ng naturang lungsod.
Habang naglalakad ang biktima at ang anak nitong si Gerald sa nasabing lugar nang harangin ng mga suspek at agad na pinagtataga at pinagbabaril si George na naging dahilan upang hindi na ito umabot ng buhay sa pagamutan.
Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay nadakip si Lino habang nagpapagamot ito sa naturang ospital dahil sa mga sugat nito sa paa. – Lordeth B. Bonilla –