MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng tatlong lalaki ang isang barangay kagawad na kakandidatong chairman sa darating barangay election sa darating na Oktubre 28 ng taong ito naganap kahapon ng hapon sa Purok Orchids, Brgy.Tagakpan, Tugbok District, Davao City.
Ang nasawing biktima ay nakilalang si Ruel Caigan Pague, 43-anyos, kagawad sa naturang barangay.
Batay sa ulat, bandang alas-12:10 ng hapon ay kasalukuyang lulan ng sidecar ang biktima nang harangin at paulanan ng bala ng mga suspek.
Namatay noon din ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Dalawang anggulo ang sinisilip na motibo sa kaso, una ay pulitika dahilan kakandidato itong chairman at pangalawa ay paghihiganti matapos umanong may mapatay na Muslim bagaman naareglo ang kaso.