Solon nanawagan sa serbisyo ng Philhealth

MANILA, Philippines - Isang agaran at masu­sing imbestigasyon ang hiniling kahapon ni Abakada Partylist Rep. Jonathen dela Cruz sa pagkakaiba ng mga nagiging pakinabang ng mahihirap at ng mga na­kakaangat sa buhay sa tulong na nakukuha mula sa Philhealth.

Ayon kay Dela Cruz, napupuna niya na hindi mabilang na mga mahihi­rap ang nawawalan ng pag­ka­kataon sa maayos na serbisyo medikal dahil sa pagkakaiba ng nagiging pakinabang ng mga mahihirap at ng mga may pera mula sa Philhealth.

Inihalimbawa nito ang isang nakakaangat sa buhay na miyembro ang nagpaopera sa appendicitis sa Makati Medical Center at nagkaroon ng P300,000 bayarin na sakop ng Philhealth at kung ang isang ma­hirap ang nagpaopera rin ng appendicits sa isang district hospital at nagkaroon lamang ng P100,000 ba­yarin na sakop din ng Philhealth. Ang P200,000 dipirensya ay sasagutin pa rin ng Philhealth.

“Isipin natin, gaano kaya karaming gamot at ser­bisyo ang maaaring mai­bigay ng P200,000 sa mga mahihirap,” puna ni Dela Cruz.

Binigyang-diin ni Dela Cruz na ang Philhealth ay pangunahing takbuhan ng mahihirap. Kaya’t ang mga mahihirap ay dapat makamtan ang parehas na halaga ng serbisyo ng mga nakakaa­ngat sa buhay.

Nakatakdang simulan ni Dela Cruz ang mga pa­­takaran at sistema ng Phil­health lalong lalo na sa kapantayan ng nagi­ging pakinabang ng mga mahihirap at may kaya sa buhay.

 

Show comments