MANILA, Philippines -Aatasan ni Internal ReÂvenue Commissioner Kim Henares ang mga doctor at abogado na ipaskil sa kanilang mga opisina at klinika ang halaga ng kanilang singil sa kanilang mga pasyente at kliyente.
Kaya’t sa mga darating na araw ay makikita na ng mga pasyente sa mga opisina at klinika ng mga doctor ang rates ng kanilang singilan maging sa kliyente ng mga abogado.
Ang hakbang ayon kay Henares ay upang matiyak na nagbabayad ng tamang buwis ang mga nabanggit na propesyonal.
Sa sistemang ito ng BIR, sa rates ng mga doctor ay dapat kasama sa ipapaskil nito ang VAT sa singil sa bawat serbisyo at sa abogado at accountant naman ay ang per hour rate nito ang ipapaskil sa opisina nito depende sa serbisyo.
Niliwanag ni Henares na dapat ang listahan ng rates ay ipapaskil sa lugar na maÂdaling makikita ng mga kliyente at pasyente.