Pugante pumalag sa aresto, patay
MANILA, Philippines -Isang bala sa ulo at katawan ang naging dahilan ng kamatayan ng isang 21-anyos na lalaki na pugante makaraang mabaril ng isa sa umaarestong pulis nang umano ay mang-agaw ng baril ng isa pang pulis, kamakalawa sa Taguig City.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Rjay Bassi, residente ng Addition Hills, Mandaluyong City na nahaharap sa kasong pagnanakaw sa Mandaluyong City Police.
Batay sa ulat, una nang tumakas sa Mandaluyong City Police detention cell si Bassi kamakailan at nakaÂrating sa pulisya ang imporÂmasyon na nagtatago si Bassi sa Palar Village sa Taguig City.
Nakipagkoordinasyon sina PO2s Edward Saligo at Edward Pasco sa Taguig Police upang magsagawa ng operasyon para muling madakip si Bassi at dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang masukol si Bassi sa may Chieftain Street, Group 3, Palar Village, Taguig.
Nang lumapit ang daÂlaÂwang pulis ay inagaw umano ni Bassi ang baril ni Saligo, ngunit bago nito maiputok ang baril ay naunahan na siya ni Pasco na agad pinaputukan na naging sanhi ng kamataÂyan nito.
- Latest