MANILA, Philippines -Nasa kritikal na kalaÂgayan ang presong si Rodson Solomon, 24, ng Blk. C1, Excess Lot, Brgy. San Luis 1, Dasmariñas City, Cavite matapos itong tuÂmalon mula sa ikalawang palapag ng gusali ng Dasmariñas City Hall matapos na ito ay sampahan ng kaso sa city fiscal kahapon ng umaga.
Batay sa imbestigasÂyon, alas-11:50 ng umaga ay ini-inquest ang biktima sa office ng city fiscal sa ikalawang palapag ng City Hall ng lunsod na ito hinggil sa kasong isinampa sa kanya ng kinakasamang si Ma. Marichelle Rustia, 19 na binuhusan nito ng kumukulong sinaing sa ulo at batok na naging sanhi ng pagkalapnos nito at nagtamo ng 2nd degree burn.
Pagkatapos umano ng inquest ay lumabas na ang mga ito sa opisina ng fiscal at upang ibalik sa kulungan nang bigla itong tumakbo patungo sa bintana at tumalon.
Masuwerte na unang tumama sa bubongan ng police station bago tuluÂyang bumagsak sa kalsada.