MANILA, Philippines -Ibinulgar kahapon sa isang presscon ni DeÂpartment of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala na 6 na congressmen ang nagbigay ng kanilang pork barrel funds sa non-government organization (NGO) ng umano’y pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.
Sinabi ni Secretary Proceso Alcala na nasa P83.2 milyon ng pork barrel funds ang ibinigay ng 6 congressmen sa KaÂupdanan para sa MaÂngunguma Foundation Inc. (KMFI) noong 15th CongÂress.
Subalit, anya ay nasa P44.9 milyon lang ng pork barrel funds ang ibinigay sa KMFI dahil sa ilang “safety nets†na ginawa ng DA.
Idinagdag nito na ang majority ng mga pondo na inilabas ay maayos na na-liquidated at ilang mga dokumento ng mga NGO na hinahawakan umano ni Napoles ay ipinapakita na ang lahat ng mga proyekto ay natapos.
Si Masbate 3rd district Scott Davies Lanete ay nakapagbigay sa KMFI ng P45 milyon ang iba pa ay sina AN-WARAY party-list Rep. Neil Benedict Montejo (P9.2-M); Davao Del Norte 2nd District Rep. Antonio Lagdameo (P1-M); Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab (P13-M); Oriental Mindoro 2nd District Rep. Reynaldo Umali (P10-M at P1.3-M); at dating Camarines Sur 4th District Arnulfo FuenÂtebella ay nasa P5-M suÂbalit P750,000 lamang ang naibigay sa KMFI.
Inihayag din ni Alcala na bukod sa KMFI, ay anim pang NGOs ang naÂkatanggap ng PDAF sa kanyang panunungkulan ito ay ang mga Maharlikang Lipi Foundation Inc. – P10 million (only P1.5 million released); Kaakbay Buhay Foundation Inc. -P15 million (P2,250,000 released); Coprahan at Gulayan Foundation Inc.-P5 million (fully reÂleased); Kaagapay at Pag-asa ng Masa Foundation – P62,460,000 (P28,262,000 released); Kasangga ng Magandang Bukas FounÂdation Inc. - P62, 125,000 (P17,587 450 released); Kabuhayan sa Kalusugan Alay sa Masa Foundation - P96,300,000 (P33,292,500 released)
Nabatid kay Alcala na ang mga opisina ng KaÂakbay Buhay FounÂdaÂtion Inc. at Kasangga ng Magandang Bukas Foundation Inc., ay wala na.