MANILA, Philippines -Inihayag ni Civil Service Commission Chairman Francisco Duque III na lumabag sa batas si Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres na nagbabawal sa sinumang tauhan at opisyal ng paÂmahalaan na pumasok, maglagi at maglaro sa mga gambling casino.
“Lumabag siya sa batas alinsunod sa Memorandum Circular No. 8 na naipalabas ng Pangulo ng bansa noong 2001â€pahayag ni Duque.
Subalit, ayon kay DuÂque dahil si Torres ay isang presidential apÂpointee, walang kapangÂyarihan ang CSC na diÂsiplinahin ito kundi ang Pangulong Noynoy Aquino lamang.
Sinabi naman ni DOÂTC Secretary Joseph EmiÂlio Abaya na binubusiÂsi nilang mabuti ang kaso ng pag-amin ni Torres na siya nga ang babaeng naging viral sa you tube na nagÂpapakita na naglalaro sa isang casino.
Sinabi rin ni Abaya na hindi na niya pinagbaÂkasyon si Torres habang iniimbestigahan ang kontrobersiyal na isyu dahil alam naman ng huli na nagÂpa-file ng vacation leave ang sinumang opisÂyal ng pamahalaan habang ito ay iniimbestigahan.
Una nang nanawagan ang militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators NationÂwide (PISTON) kay Abaya na agad ipaalam sa publiko ang resulta ng imbestigasyon at parusahan ito kung nararapat.
Kahit pa anya shooting buddy ni Pangulong Aquino si Torres, kailangang maipakita ng Chief ExeÂcutive na siya ay walang pinapanigan pagdating sa pagpapatupad ng batas, maging ito man ay malapit sa kanya upang mapaniwala ang mamamayan na tunay at totoo ang ipinaÂngakong tuwid na daan para sa taumbayan.
Si Torres ay dating district head ng LTO-Tarlac bago ito naitala bilang Asst. Secretary ni P-Noy sa LTO noong 2010.
Naging kontrobersiyal rin si Torres hinggil sa usapin ng umanoy planong pag-take over sa IT provider ng LTO na Stradcom Corporation, pagbabalik manual ng operasyon ng LTO, kawalan ng car plates at stickers hanggang sa ngayon at ang usapin sa kontrata sa AMpi na tagagawa ng drivers licenÂse sa LTO.