Relief goods sa mga biktima ni ‘Maring’

MANILA, Philippines - Namahagi ng mga relief goods ang mga mi­yembro ng Youth Vo­lunteers of Jamby Mad­rigal noong Sabado sa mga residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City na naapektuhan ng baha dulot ng bagyong Maring at habagat.

Ayon kay Antonio Eñe­res, kasapi ng Youth Volunteers of Jamby Mad­rigal, naisipan ng grupo niya na magbigay ng tu­long nang makita nila sa telebisyon ang nangyari sa mga taong naninirahan malapit sa mga estero kaya’t mabilisan silang nag-ambag-ambag at na­mili ng pantawid-gutom katulad ng bigas, sardinas at noodles. Sinabi rin ng grupo na walang halong pulitika ang ginawa nilang pagtulong at nagkataon lang na sila ay  youth vo­lunteers ni dating senadora Jamby Madrigal.

 

Show comments