SIPAG, humihingi ng tulong kay PNoy
MANILA, Philippines - Humihingi ngayon ng tulong sa Pangulong Noynoy Aquino ang grupo ng Sibuyas ng Pilipino Ating Alagaan (SIPAG) dahil sa patuloy na nagaganap na smuggling ng bawang at sibuyas sa bansa. Ayon kay Francisco Collado, pangulo ng SIPAG, luging-lugi na silang mga onion at garlic grower dahil sa smuggling kaya sila nagÂpapasaklolo sa Pangulong Aquino.
“Ang pagbaha ng imported na sibuyas at bawang sa bansa ay pumapatay sa aming kabuhayan dahil bagsak ang presyo nito sa merkado na galing China at Vietnam at karatig na bansaâ€, ani Collado.
Sinabi ni Collado, kasabwat umano ang Bureau of Plants (BP) at ilang tiwaling Agriculture officials sa nagaganap na smuggling at pagbibigay ng import permit sa iisang tao lamang. Kinumpirma rin ni Atty. Ariel Jawid, abogado ng SIPAG, na isang tao lamang ang binibigyan ng import permit ng BP at DA sa daan-daang container ng sibuyas na pinapasok sa bansa kada buwan.
“Kinopo ng iisang tao o ginawang monopolya na ng taong ito ang nasabing importation na labag naman sa ating konstitusyonâ€, pahayag pa ni Jawid.
Sinasabing matagal ng nagrereklamo ang SIPAG kay Agriculture Sec. Proceso Alcala hinggil sa talamak na smuggling ng onion at garlic pero hindi ito umaaksiyon kaya sa Pangulong Aquino na sila nagpapasaklolo.
- Latest