MANILA, Philippines - Kakabitan ng Closed Circuit Television (CCTV) camera at mga rehas ang pintuan, bintana at maging kisame ang mini bungalow type na bahay-kulungan sa loob ng Fort Sto. Domingo, Sta Rosa, Laguna na paglilipatan kay Janet-Lim Napoles, ang utak sa P 10 bilyong pork barrel scam.
Ayon kay Roxas, bawal ang cell phone at applianÂces kay Napoles at ang tanging papayagan ay ang mini ref para paglagyan ng mga gamot nito habang babantayan rin ito ng mga nurse at iba pang medical staff.
Si Roxas at PNP Chief Director Gen. Alan Purisima ay personal na nag-inspection sa mini bungalow na magsisilbing detention facility ni Napoles kahapon ng umaga.
Ang naturang bungalow type na bahay ay dating pinagkulungan sa pinatalsik na si dating Pangulong Joseph “Erap†Estrada noong 2001, Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari na nasangkot naman sa rebelyon noong 2002 at Senador Gringo Honasan matapos na maaresto noong 2006 na itinurong utak ng 2003 Oakwood mutiny.